Sa pagbili ng school supplies, hanapin and mga sumusunod na label:

  1. Notebook – bilang ng pahina; klase (book, bond o econobond), type, size at grammage ng papel; brand name o trademark; pangalan at address ng manufacturer, converter o importer; bansa kung saan ginawa ang produkto.
  2. Pad Paper – bilang ng pahina; type at klase ng papel (book, bond o econobond); brand name o trademark; pangalan at address ng manufacturer, converter o importer; bansa kung saan ginawa ang produkto.
  3. Crayon – brand name o trademark; bilang ng crayons sa box (box of 8, 16, 24, etc.); pangalan at address ng manufacturer o distributor; mga salitang “non-toxic” na nagpapahayag na ito ay nasuri at nakapasa sa “allowed toxicity level” na itinakda ng Food and Drug Administration (FDA); at bansa kung saan ginawa ang produkto.
  4. Pencil – brand name o trademark; hardness symbol (1,2,3); at bansa kung saan ginawa ang produkto.
  5. Ballpen – brand name o trademark; tip classification (fine, medium, etc.); nakalagay sa box ang pangalan at address ng gumawa.

Kung may katanungan o reklamo sa kalidad o presyo ng mga school supplies, maaring magsadya sa pinakamalapit na opisina ng Department of Trade and Industry (DTI) sa inyong lugar.

 

View the School Supplies Standard Retail Price (SRP) List