Sa lahat po ng ating mga participants at sa lahat sa inyo na nasa Zoom, Facebook, at cable TV channel, magandang umaga po sa inyong lahat at isang mapagpalang Araw ng mga Kababaihan! Ang ating women entrepreneurs ay nasa entrepreneurial forefront, having to constantly deal with barriers in setting up their own businesses. Una, ‘yung barriers sa kanilang sarili, sa pakikitunggo sa kanilang pamilya or community at ‘yung barrier sa pagtayo ng business. Kaya maganda na nakikita natin sila ngayon ay nagiging mas empowered at nalalampasan itong mga barriers na ito.
Tayo po ay biniyayaan ng mga talentado at determinadong women entrepreneurs, dito sa ating bansa. Kaya maganda po ang performance ng mga women entrepreneurs in our economy. They are leading many in our companies, pati government services, marami rin po ang mga kababaihan.
May isang article na inilabas ang CFA Institute na may pamagat na “The Future Is Female: COVID-19 Fuels a Surge in Women Entrepreneurs.” Base rito, mayroong worldwide phenomenon na nagpapakitang mas madiskarte, mas resilient, and mas nakakahanap ng opportunities for economic activities ang mga kababaihan.
Today, as we celebrate International Women’s Day, we want to highlight the extraordinary roles of women-led MSMEs, or Micro, Small, and Medium Entrepreneurs. Sa tulong ng mga MSMEs, our country can be more hopeful for a post-COVID future that will be poised for a Better Normal. Because of this, the Department of Trade and Industry (DTI) remains committed in assisting our MSMEs, and our aspiring entrepreneurs who will be our champions to push for our economy’s growth to pre-COVID levels and beyond.
At dahil Women’s Month ngayong March 2021, mayroon tayong 3A (adlib) o “Accept, Adapt, Act” Program na napapanahon para makapag-avail ng training program ang mga kababaihan na kasalukuyang may mga negosyo o nais pa lamang magsimula ng negosyo. Kasama rin po dito ang mga Women MSMEs nating nais makabangon mula sa kasalukuyang pandemiyang kinahaharap po nila.
Sa totoo lang, hindi madali ang maging isang entrepreneur, at marami kang pagdadaanang challenges. To aspire, to own, and manage a business is a noble aspiration, but it does not end there. Totoong malaki ang kinalaman ng determinasyon at passion mo bilang aspiring entrepreneur na makapagpatuloy ng negosyo. Pero napakalaking bagay ding makapagsimula ka ng may tamang pundasyon at kaalamanan para makapagplano ka nang maayos sa business.
Pag maganda ang pinag simulan, tuloy-tuloy na maging maganda ang mga patutunguhan ng inyong negosyo. Kaya importanteng maka-attend sa mga ganitong seminars, para talagang matutunan natin ‘yung tamang pamamaraan. Number one na ‘yung mindset and passion mo, pero kailangan rin matutunan ‘yung papaano naman.
Sabi nga sa isang Harvard Business Review article, tatlong tanong ang pinaka-importante sa post-Covid business planning: (1) How does your business really make money? Paano ba talaga kumikita ang negosyo mo? (2) Who are your most important stakeholders and what are the behaviors that will affect your business model? Sino ba talaga ang customer mo at ano ang kanilang behavior nila ngayon na nakakaapekto sa business or magiging business mo? (3) Ano ang behavior ng tao after the pandemic?
Dahil po ay inaasahan natin, after the pandemic, may panibagong galaw or kilos or behavior. ‘Yung tinatawag natin sa New Normal, tinggin ko matagal pa bago matanggal ‘yung mga health protocol natin when it comes to face mask, ‘yung mga physical distancing, at madalas na paghugas. Kahit po may bakuna na, karamihan po sa atin ay palagay ko po ay marami pa rin susunod diyan. At ‘yung mga sistema sa paglabas, ‘yung pagkilo sa labas, let’s just sa restaurant na lang, magkakalayo ang mga upuan.
Entrepreneurs need to learn how to “simultaneously reduce risk and seize opportunities,” so you can start well but most importantly, sustain your business. Dahil dito, nakikipag-partner ang DTI at ang Philippine Trade Training Center (PTTC) sa business practitioners. Ibig sabihing practioners, ‘yung mga nagawa na nila itong mga negosyo nila. Kanya-kanyang negosyo, alam na nila pano kung mag-manage. Madami ng problemang sinabak sila. Nalampasan nila ang problema na iyon at napaganda at napalaki ang kanilang mga negosyo. Pero sila po ang may mga puso na ituro ang mga natutunan nila.
Ito po ay sila Dean Pax Lapid, Jorge Wieneke, Ms. Jenny Wieneke, Mr. Armand Bengco, Ms. Tess Dimaculangan, Mr. Carlo Calimon, Mr. Francis Carlo Lapid at Angelpreneurs upang makapaghatid ng kani-kanilang mga expertise sa bawat topics. Whether that’s business planning, marketing, financial management, accounting, at iba pang disiplina para po sa pagnenegosyo.
Para na kayong nag-MBA ng libre at nasabi rin na mayroon pang pangkabuhayang livelihood kit na ibibgay after the program. So, libre po ito. Kaya po napakaganda ng programang ito at siyempre nagpapasalamat tayo sa ating mga partners.
Ang mga programang ito ay makatutulong na makapagsimula kayo nang maayos. Ang kagandahan sa training programs kagaya ng 3A Program ay ito ay integrated training program o mayroong mga training at iba pa. Aside from mentorship from real business practitioners, may financial assistance na ibibigay at the end of the program through the generosity of our partner, the National Council of Women of the Philippines (NCWP).
Kung kaya’t nais ko pong pasalamatan nang lubusan ang NCWP na lumapit sa ating ahensya para makapagbigay ng training program sa ating mga Women MSMEs. Ang NCWP po ay maghahandog din ng 75 livelihood kits worth Php10,000 each sa 75 women entrepreneurs pagkatapos ng programa. Ito ay lubusang makatutulong sa ating MSMEs upang magsilbing kapital o puhunan sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo.
Ang entrepreneurship po ay isang mahabang proseso. Pagkatapos ng 3A, sana ay makapagsimula na kayo ng mga negosyo — at yung dadaanan po ninyo ay isang mahaba at challenging subalit meaningful journey. Gusto ko rin banggitin na ang 3A Program ay parte ng overall comprehensive program ng DTI na may framework ng “7Ms of Successful Entrepreneurship.” Ang framework na gamit po natin dito ay para maturuan ang ating mga MSMEs ng 7Ms: Mindset, Mastery, Mentoring, Market, Money, Machines, and Models of Negosyo.
Ang gusto po naming masabi sa inyo, sana po ay pagbutihin ninyo sa pag-attend po dito, seryosohin at mag take down ng notes. Talagang para pong nag-aaral ng MBA pero hindi na kayo kailangan magbayad ng Php1 million sa inyong tuition fees. Again, ito po ay libre.
Again, maraming salamat po kay Dean Pax at sa mga Angelpreneur mentors, at sa NCWP na naging instrumental in uplifting the status of women in our country through your advocacy works. Maraming salamat din sa PTTC at sa Bureau of Small and Medium Enterprise Development (BSMED) ng ating Regional Operations Group (ROG) sa tulong ninyo.
Congratulations po sa lahat ng scholars at magiging scholars ng 3A Program Batch 2. Inaasahan ko na makikita ko kayong lahat sa graduation. Make the most out of this opportunity and we wish you the best! We hope you will help us to build back better, where all Filipinos can enjoy a more comfortable and higher quality of life tulad po ng pinangako ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa mga Juana na nandito, maraming salamat po at mabuhay tayong lahat ngayong Women’s Day! ♦
Date of Release: 9 March 2021