As delivered, 15 August 2020
Magandang tanghali po sa inyong lahat! Lalawigan ng Bulacan, ang aking hometown sa Malolos, sa mga kagalang-galang na Mayors din po sa mga different municipalities, kay Gov. Fernando—congratulations muna sa inyong napaka-comprehensive na report kanina. Kami po ay humahanga, very impressive.
Marami po kayong nasakop na na-mirror ang ginagawa sa national level at na-implement ng mabuti dito po sa lalawigan ng Bulacan. Palakpakan po natin si Governor Fernando. Isa po sa maituturing nating best practices ‘yung presentation po ni Dra. Joy, pati po ang inyong mga kasama, fellow workers in government, at mga taga lalawigan po ng Bulacan.
Kami po sa DTI ay nagpapasalamat po na-include po sa report ni Dra. Joy ‘yung mga ginagawa po ng DTI in terms of sa pamamalakad po ng trade and industry. Unang-una po noong pumasok yung pandemya dito, agaran ang paghuli ninyo ng profiteers at hoarders at na-record po ninyo. Pati rin sa pakikipagtulungan po ninyo kasama po sila Asec. Dominic Tolentino, Dir. Dionisio ng province of Bulacan. Tulong-tulong po ang team natin kasama ang DILG dito po sa composite team na ginagawa po kasama ang PNP pati po ng NBI, dito po sa paghuhuli against profiteers and hoarders. Kaya po matagumpay ang ating kampanya diyan at iyan po ay isang direct na utos ng ating Pangulong Duterte, lalo na noong nagsisimula itong pandemya.
Tinutukan po natin ‘yan at dahil po sa very close coordination natin sa mga manufacturers pati rin po sa traders, aside from keeping the price down, nahuli yung mga hoarders at profiteers. ‘Yung supply po, we were able to avert any food shortage. Tuloy-tuloy ang production doon, even at the height of ECQ. Sinigurado po natin sa tulong po ng mga polisiya na bumababa sa IATF, na nananatili pong unhampered ang movement ng cargo. Unhampered din ang paggalaw ng mga workers papunta sa kanilang factories, papunta sa kanilang place of work. Kaya po napapanatili natin ang magandang daloy ng mga produkto. Hindi po tayo nagka-shortage, even at the height of ECQ at lalo na ngayon na bumababa na po ang ating community quarantine.
Kami po sa DTI ay kasama niyo po at nagre-represent sa trade and industry sector sa IATF. Ako po ay nagpapasalamat sa mga kasama rin natin dito: kay DOH Sec. Duque, Sec. Galvez, kay Sec. Rolly Bautista, even si Sec. Bello na di na po umabot ngayon dito, at kay Sec. Año din ng DILG na kasama po natin sa pagbuo ng mga polisiya in terms of pag-balance ng health at economy.
At the start of the pandemic talagang health took primacy over the economy. And we all cooperated—nag-lockdown tayo, nag-ECQ, nag-MECQ. But eventually, we all agreed na papasok tayo sa phase 2 at magbubukas na tayo ng ekonomiya dahil kailangan pong maibalik ang trabaho ng mga workers. Pero ine-emphasize po natin na sa pagbubukas ng ekonomiya, kailangan maging gradual at safe. In other words, wala pong magaganap na transmission.
Kasabay po noon ang pagpapalakas ng health capacity at testing capacity. Ngayon po pinapalakas natin ang contact tracing kasama ang tulong ng ating Treatment CZAR Usec. Vega, na isa pong malaking haligi dito po sa campaign sa treatment ng ating contact tracing. Kasama po si Mayor Benjie Magalong na namumuo bilang ating Contact Traring CZAR, ito po ay malalakas na kampanya para talagang masugpo ang problemang ito. It’s really in addressing that aggressive contact tracing, testing, isolation, treatment ang magiging solusyon po dito.
Ito pong mga community quarantine would be a big help. We don’t have to be always in the quarantine na very strict. Yun po ang nagiging usapan at nagiging mindset po ng IATF. In other words, hindi naman tayo kailangan na parating nasa strict lockdown kung malakas ang kampanya natin dito sa mga kailangan nating gawin: tracing, testing, isolation, treatment. Kaya po ngayon pong nagbubukas tayo, sinisigurado nating lalakasan ‘yung campaign na yan, but at the same time, in the workplace gagawing mas istrikto po ni Governor at ng mga Mayors ang pagpapatupad ng workplace health protocols.
Yesterday, nag issue na po tayo ng panibagong workplace health protocols that will really take into consideration the current situation. Dati po kasi nag-issue na tayo two months ago, pero nakita natin may mga kailangan pang i-improve kaya po ginawang mas istrikto ‘yun with the DOH’s guidelines and assistance in finetuning the policies.
For example, we found out that sa workplace, ang mga pinanggagalingan po ng transmission ay ‘yung pagsakay sa shuttle, pagsakay sa public transportation, pagkain sa canteen kung saan binababa ang mask, nagkakain, nagkekwentuhan, nagkakalimutan. Kapag nasa smoking area, nagkekwentuhan, siyempre tanggal ang mask. Pagka ganoon po, doon natin nare-realize na dito pala sa sakit na ito—tulad ng sabi ni Governor kanina—walang pinipili itong sakit na ito at parating nag-aabang ng next victim.
Kapag bumitaw ka ay pupunta na sayo at mapapasa na. So, this is not only the job of the provincial government and national government, it’s really the responsibility po ng lahat ng tao, ng lahat ng Pilipino ‘yung pagiging conscious. Magiging conscious tayo sa hindi pag-transmit ng sakit na ito kaya napakaimportante po na kanya-kanya ang pagguwardiya natin sa ating sarili na hindi tayo makahawa at ‘di tayo mahawa. Kaya po importante ang mask, face shield, physical distancing, at frequent hand washing.
So dito po sa bagong protocol ine-emphasize po natin na we really have to be stricter. Let’s say in the canteen, ipagbabawal natin yung pag-dine in sa canteen, except kung meron pong preparation sa canteen na may barriers or may physical distancing. Otherwise, we will just encourage the workers to buy packed food. Handa na yung food at kainin na lang po sa kanya-kanyang workplace.
Dito rin po sa shuttle service ipapagbawal na rin yung pagtanggal ng mask habang nasa loob. Walang kwentuhan, walang kain, bawal ang pag tawag sa telepono—again, ito rin po ‘yung findings na diyan po nagkakahawaan. Ngayon, ‘yung sa mga smokers malaking issue kung ipagbawal yung smoking area. Kaya po ang ginawa po is really a win-win solution. Pwede ang smoking, pero kailangan individual area within the smoking area. In other words, kung pwedeng may booth, importante na may kanya-kanyang booths at walang kwentuhan. Ganun po kapraktikal naman ang ating mga solution.
Isang tulong din po ay ang overall efforts natin to create more isolation rooms. We are now requiring also all companies na maggawa rin ng isolation room bawat company dahil alam po natin sa barangay level, sa LGU level, kayo po ay gumagawa ng mga isolation rooms. Isa po sa naalala ko sa pinipresent nila Sec. Charlie at Sec. Año ay yung pag-prepare ng isolation room, even at the barangay level. Magta-target po tayo ngayon ng mga .05% of the population or in other words, one (1) isolation room for every 200.
Ginawa po namin na pati po sa mga kumpanya ay ni-require na po natin ‘yun para katulong rin po ninyo ang mga private companies sa pag-provide ng isolation room, para at least ‘yung mga workers are taken care of by their employers.
Very important po sa mga kumpanya. Required na rin natin ngayon ang one (1) isolation room for every 200 workers. Pagdating po sa mga testing, we also again reiterated na ang testing ay doon lamang sa symptomatic or may exposure. We are not requiring testing, whether PCR or lalo na rapid test, doon sa pangkalahatan para lang makatrabaho dahil mami-mislead lang po tayo at sayang ang mga resources. So, we again would like to emphasize na ang testing is really for just the symptomatics and those with exposure.
In fact, yung mga suspects—in the policy we are saying i-isolate at i-quarantine muna kahit ‘di muna magtest basta at least nakahiwalay po. Kapag talagang nag-symptomatic, doon na lang talaga tayo magpapatest. PCR testing is the kind of testing required, following again the DOH standard.
Isa pong magandang pinag-igi dito ay ‘yung coordination between the companies and LGUs. Before the testing, ire-require na mag-coordinate ‘yung kumpanya at yung LGU para ma-monitor na rin ng LGU na merong tine-test sa kumpanya na ‘to, pati ‘yung resulta ma-track na. Umpisa na rin ‘yun ng contact tracing, in effect, at kung sino man ‘yung nakasama nung employee na ‘yun. Ang importante ay itong increased coordination ng mga company at ng mga LGUs.
Isa rin pong importante dito na sa bawat kumpanya, we are making them responsible for having their respective safety health officers pati safety and health committees. Para self-policing po. It’s just like making sure that they comply with the requirements.
Ngayon, to make sure that they comply with the health protocols, they will have their own committee. Bawat company para pag-audit po natin from the LGU representative from DTI, DOLE, and DOH, we will be able to ensure na nasusunod ang protocols, nagko-comply ito pong mga kompanya.
Ngayon, we also put it in the protocol na kung hindi nagko-comply, we can issue a warning. Pero kung binalikan at di pa rin nag-comply, we can temporarily close the facility. We don’t really want to do the closure, but kung kinakailangan para siguradong sumunod sila, we may have to do it. But we will open it as soon as we see na nag-comply na po sila. It’s just to make them comply. Kasi ito naman po ay para sa kanilang proteksyon, sa kalusugan po ng kanilang mga workers, at nung mga kadaupang-palad nila.
We are just emphasizing na kailangan pong makipagtulungan ng mga kompanya at nandito po ang DTI na nakasuporta sa overall campaign ng CODE team at ng IATF at NTF para makasigurado na as we go back and we open the economy, it will be a safer place to be in. Moving forward we cannot always have a lockdown scenario dahil ang ating GDP ay bumagsak na ng 16.5%, ang unemploment 17.7%. Magiging tag-hirap tayo ‘pag itinuloy pa po ‘yan. Samantalang alam natin na yung virus mananatili sa ating paligid hanggang sa isang taon.
Kaya po talaga we really just have to adjust to a new way of life. A role for each one. Hindi lang kumpanya, ‘di lang gobyerno. Bawat tao, bawat pamilya dapat iba na ang mindset. Iba na ang way of doing things para po talagang maiwasan ito at may responsibility ang lahat.
Example po tayo: kunwari ‘yung isang kaopisina ko po nagpositive, ‘di na ‘ko lalarga sa labas. Magka-quarantine na ko. ‘Yun ang pinakasimpleng gagawin at maiiwasan na yung pagkalat. Magse-self quarantine na ‘ko. It’s a very patriotic act na dapat na maintindihan ng ating mga kababayan that’s also helping us in preventing the transmission nung disease. So ‘yun lang po.
Governor, mga kasama, mga mayors, finally, just a rejoinder. We are joined here by the PCW Chairperson Sandy Montano because meron po tayong project. Ang ating pong Pangulo mamimigay ng twenty (20) million na face mask nationwide kasama po ang DSWD. Mga 4P’s ang beneficiaries dahil pangako po at direktiba po ng ating Pangulo ‘yun.
Ito pong ipamimigay na face mask na washable at non-medical grade, ang gumagawa po nito ay ang mga women cooperatives nationwide under the PCW gamit ang mga shared service facilities po ng DTI pati po ng TESDA na para po sa ating MSMEs. Itong mga reusable, washable, non-medical grade face masks ay ipamimigay dahil gusto po ng ating Presidente na lahat po ng Pilipino, lalo na ‘yung mga walang kakayanang bumili, ay magkakaroon din sila ng face mask. Ito po ay kasama sa programa at umiikot po tayo para ipamigay din ito pong mga face mask na ito.
Iyon lang po. From our end tayo po ay magtulong-tulong. Mag-ingat buhay para may hanapbuhay.
Magandang tanghali po sa inyong lahat.♦
Date of Release: 25 August 2020