Magandang hapon po sa inyong lahat!
Congratulations po kay Mayor Lino at sa pamilya po niya, kasama na po si Senator Pia Cayetano, kay Vice Mayor Cruz at sa ating pong mga kasama po, PSE Chairman Mr. Munzon.
Actually, kaya po kami nandito is to give our support for A4 economic frontliners. Ito po yung matagal na po naming pinagtatrabahuhan nila Sec. Charlie Galvez and Sec. Karl Chua on how we can really have a more sustained reopening because alam po nating lahat na yung mga reopening na ginawa natin, kahit dahan-dahan ay nagkaroon pa rin po ng surge noong March and April 2021.
With the vaccination, hopefully, with this kind of reopening, we will have a sustained one and will be a continuing reopening, but it will still be gradual and safe dahil po may new variants. The overall intent po, as we vaccinate, is to have a sustainable reopening hanggang magtuloy-tuloy na po ito.
Sabi po ng ating Pangulo, nakikita niya na ang end of the tunnel dahil dito sa vaccination and given the vaccines na pinapasok po nila Sec. Charlie, Sec. Vince Dizon, at ang kaniyang team with the Health Sec. Duque. Dumadating na po ang bulk ng vaccine. Dito po natin makikita yung daily capacity na matagal na nating inaasahan para po mabilis na natin yung herd immunity.
Congratulations kay Mayor Lino, sa iyong accomplishment. Napaka-symbolic talaga, dito pa ginawa sa lugar na ito kung saan nagkaroon ng first case ng COVID-19 sa Taguig City. We definitely see na even before Christmas ay magkakaroon tayo ng mas masayang Halloween or even earlier pa than Halloween.
Ito po talaga ay kailangan na mabakunahan ang 35 million na economic frontliners. Ang maganda pong nangyari ay we widened the definition. Dati po, narrow yung definition, but with the help of IATF na kasama po natin, naintindihan po yung importansya ng mas malawak na definition para ma-include lahat from government, private, self-employed at pati po yung nagtatrabaho sa household na mabigyan na ng proteksyon. May proteksyon po ito para sa pamilyang Pilipino, proteksyon po sa mga manggagawang Pilipino, at proteksyon sa ekonomiya ng Pilipinas. Sama-sama po tayo to look the very forward to a very merry Christmas.
Salamat po. ♦
Date of Release: 18 June 2021