15 April 2020
The economy is definitely challenged. Malaki pong pagsubok sa ekonomiya ‘yung nararanasan natin ngayon. Dahil doon sa huli nating report mga 3 weeks ago, ni-report ko po na sana po ay nag-re-recover na subalit nagkaroon po tayo ng surge nitong umpisa ng March at dahil po dito ay tayo ay nag-lockdown ulit ng dalawang linggo ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ito po ay may epekto sa ating ekonomiya, ang estimate ng ating mga ekonomista, led by NEDA, ay halos kulang 1% of gross domestic product (GDP) ang tinamaan dito dalawang lingo ng ECQ. Dahil sa ating desire to balance the economy and reopen again the economy to bring back jobs, ay tayo po ay bumaba or de-escalate to modified enhance community quarantine (MECQ), kung nasaan po tayo ngayon and that is up to end of the month of April.
Sa paglipat po sa MECQ, ang estimate po namin sa DTI, kung nawalan tayo ng Php1.5M na trabaho dahil po sa ECQ, noong nag MECQ tayo may mga 500,000 po na estimate natin na makakabalik sa trabaho. Ganoon po ay at least ma-restore ang kabuhayan ng ating mga kababayan na gusto talaga nating magkaroon ng income at hindi po talaga malugmok sa kahirapan.
‘Yung mga problema sa kahirapan katulad ng malnutrition at iba pang problema at kagutuman. Diyan po maiibsan po ang kahirapan. Subalit nasa MECQ pa rin po, relatively, mataas ang restriction natin. Kaya po ang ating ekonomiya ay masasabi nating hindi pa totally maibabalik tulad doon sa general community quarantine (GCQ) o lalo na sa modified general community quarantine (MGCQ). I’m talking of NCR plus the 4 other provinces, the NCR+ na tinatawag at pag pinagsama-sama ito ay malaking parte ng ekonomiya ito, about sa kalahati ng ating total economy.
At least from the DTI’s end, part po tayo ng Inter-Agency Task Force (IATF) at lahat po ng ahensya ng ating pamahalaan ay nagtutulong-tulong, nag-aambag-ambag kung ano ang puwedeng i-contribute dito po sa laban sa COVID. Mayroon po akong maikling presentation. Mag-update lang po ako Mr. President, if you will allow.
We continue to monitor po itong compliance ng ating mga workplaces, kasama po dito ang Department of Labor Employment (DOLE), Department of Tourism (DOT), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH) at mga local government units (LGUs) sa pag-monitor ng mga workplaces, para masigurado na habang nagbubukas tayo ng ekonomiya dahan-dahan ay sumusunod pa rin sa minimum health protocol standards ang ating mga kababayan.
Mula po noong June up to the recent April, may over 25,000 po tayo na establishments monitored. ‘Yung pagsunod po sa kanilang prescribed operating capacity, maganda po ang compliance. Ibig sabihin sumusunod sila, pag sinabing 50%, 50% operation lang sila, pag sinabing 30%, 30% operation.
Pagsuot properly ng face mask nag-ra-range po sa 88% to 100% compliant po. Sa wearing properly of face shield, 73% to 91% compliant. Mababa so far dito sa construction ‘yung pag tanggal ng face shield, dahil ito ay ina-allow naman po tatanggalin ang face shield. Lalo na kung kailangan mo ng very good visual sa inyong trabaho. ‘Yung no talking and eating in shuttle services and confined areas dito po mababa at kailangan paigtingin ang compliance dito. ‘Yung pag nagsasama sa kainan, sa pantry, sa canteen pinagbawal na po natin ngayon ‘yan. Ang ideal po individual po, 42% to 82% po ang compliance dito mababa po.
Ang ventilation napakahalaga lalo na ngayon sinasabing may new variant na madaling makahawa. So, we encourage improving the ventilation hangga’t maari outdoor ang mga activities o bukas ang mga bintana. 83% to 100% ang compliance dito and the frequent and proper disinfection 71% to 100%.
At ‘yung mga positive at symptomatic kailangan ma-isolate sila. Dito po mababa rin po ‘yung range natin dito 56%, hindi nahahabol agad ng positive. So, dito po kailangan palakasin itong contact tracing na ngayon po ay pinalakas dahil may digital tracing system na tayo of contact tracing na interconnect na po sa iba-ibang sistema natin. Para mabilis ma-contact trace kung sino ang posibleng nahawahan ng isang positive COVID. Kasi ngayon po ang compliance po dito ay 56%, pero mayroon din mas mataas sa 100% at ‘yung physical distancing nandiyan po 88% to 100%.
Dito po sa monitoring po, pinaghati-hati na po kung sino ang mag-mo-monitor sa mga iba’t ibang lugar. Ang DOH, ang mga medical facility, hospitals, clinics. Ang DOT, sa mga DOT enterprises/ establishments, katulad po ng mga hotels, restaurants, resorts. Sa mga manufacturing utilities dito po ang DOLE. Ang mga malls, wet markets, retail stores, itong nakikita natin sa paligid. ‘yung mga laundry service, car wash, maliliit na establisyemento dito po ang LGUs. Ang DILG, pagdating po sa government, mga city halls, municipal halls, all other local government unit facilities and buildings, mga pulis, camps, Bureau of Fire Protection, mga barangay halls, and other public establishments.
Ang DTI po lahat po ng mga groceries, supermarkets, convenient stores, construction supply, hardware’s, logistics, service providers, gyms, barber shop, retail establishments, service, and repair shop. ‘Yan po naghati-hati po at may agency nakatuon sila ang mag-mo-monitor tulad ng ni-report po kanina in terms of compliance. Kasi iyan po ang napaka-importante sa ating campaign as we move down to MECQ. The campaign towards PDITR – prevent, detect, isolate, treat and re-integrate, lahat po iyan ay connect-connect na kailangan mapalakas natin habang tayo ay nag-di-di-escalate to MECQ and hopefully pag nag normalize ang numero at bumaba na ulit tayo sa GCQ.
Mayroon po kayong kautusan na ma-encourage ang mga vaccine manufacturers na magkaroon tayo ng capability, just like many years ago mayroon tayong vaccine capability to manufacture in the country. Sa DTI, inumpisahan po natin together with DOST at kasama na ibang mga ahensya Food and Drug Administration (FDA), DOH, ang pakikipag-usap sa mga companies who can possibly start a manufacturing of vaccines in the country. Para hindi tayo totally dependent sa pag-import ng vaccine. Ngayon po talagang dependent tayo, dahil wala tayong local manufacturing capabilities at lahat po ng mga R&D, they are all taking place doon sa mga headquarters nitong mga manufacturers.
Sa interest na mag-produce dito sa Pilipinas they need our support. Siyempre dito po kausapin natin ‘yung DOH and FDA. Pagdating po sa magkaroon lamang ng mabilis na processing, green lane on getting government permits. They will subscribe to all requirements and submit all the documents. Kailangan lang ma-prioritize para mapabilis ang proseso ng pag put-up ng planta dito.
Second, lahat po ng pumapasok dito may risk involvement, lalo na kung papasok sila tapos ang gobyerno ay bibili rin abroad. Ito po ay ini-encourage po sana na may government procurement of locally produced vaccines subject to standards and prices. It’s like a war, na ang gobyerno will really mandate a manufacturer to manufacture the needed ammo and bullets pero kasabay nito bibilhin nila ‘yun. Kasi hindi sila aasa sa import, dahil hindi magiging reliable.
‘Yung ginagawa nilang locally, kailangan i-commit din ‘yung government na bibilin din natin para talagang may self-reliant and self-sufficient tayo. Ayun po ang isang kahilingan dito na it will help to facilitate ‘yung pag-locate ng mga vaccine facilities dito sa ating bayan. Of course, subject to meeting the high specs of standards as well as competitive prices.
Mr. President you will remember na mayroon po kayong proyekto na pinaumpisahan satin. ‘Yung last report po natin, dati pong 12 million po iyan, na produced and delivered. Ngayon po 30 million na. Malaki po ang naging delivery at production the past weeks kaya po biglang umangat na. ♦
Date of Release: 19 April 2021