Ito na po ‘yung pinagdaanan natin at masasabi ko lang po dito sa tinanong ninyo kanina on commerce and trade. Kung titingnan natin the economy has been performing very fast bago mag- pandemic and nalaman natin ‘yung nangyari last year. Nakita po natin ‘yung pagbagsak ng gross domestic product (GDP) ng ekonomiya, ‘yung kulay pula na box -16.5%. Pero nakita natin the economy is just starting to recover, umakyat na po yung linya ‘yung -16%, -11% na lang, naging -8% na lang. Hopefully, tuloy-tuloy po ‘yung pag-akyat noong growth.

Another sign na nag-re-recover tayo, ‘yung unemployment rate pag mas mababa, mas maganda. Kaya po bago mag pandemya nasa 5.4%, 4.5%, 5.3% of the workforce. Noong pandemya, height of the lockdown, lumala sa 17.7%, again, unti-unti ng bumaba ito. Ibig sabihin, maraming nakabalik sa trabaho from 17.7% naging 8.7% na lang. Malayo pa rin ito sa 5.3% kaya ‘yun po ‘yung tinatrabaho natin na sana makabalik pa ‘yung mga hindi pa nakakabalik sa trabaho pero at least galing sa 17.7% nag-improve na po tayo sa 8.7%.

Another sign, this is about Manufacturing, ‘yung sigla po ng ekonomiya. Nakita natin ‘yung paglubog doon, ang sign po dito anything above 50% ay growing ang Manufacturing sector. Noong height ng lockdown nag 31.6%, mababa po, pero nakita po natin ‘yung nakabilog 52.5% na po tayo ngayon. That’s one sign po na umakyat na ulit, nakakabawi po tayo sa mga manufacturing. Ito po ‘yung gumagawa ng mga produkto natin.

Isa pa rin pong indication sa exports, nakita din natin ‘yung pagbaba last year, -50% ‘yung mababa po na iyon. Ibig sabihin nangalahati ‘yung exports natin, pero unti-unti na rin naka-angat at may mga buwan last year September and November na nag-positive growth po tayo.

Ang economy po natin ay tuloy-tuloy nakakabalik ng dahan-dahan. We started to reopen last July, kaya nakita po natin ‘yung mga improvements na iyon. Napansin din po natin na as the economy started to reopen last July (last year), ‘yung COVID cases po bumababa. Contrary to kinakatakutan ng maraming tao na pag nag-reopen ang economy, aakyat ang cases. Pero ito po statistics po ito at talagang nangyari sa atin na habang nagbukas tayo last July at further reopening noong August, COVID cases started to go down until February.

Ito po ‘yung bago dumating ‘yung March na umakyat ulit pero mapag-iisip po tayo, nag-re-reopen bumababa ang cases. Ibig sabihin, maganda naman po ‘yung naging performance ng reopening natin at marami pong sumusunod sa mga protocol sa workplace.

Ngayong nag-surge in March, ang update po from Department of Trade and Industry (DTI), marami po tayong ini-issue din na mga temporary measure para maagapan itong surge na nangyari ngayong March. Iyan po ‘yung na report po natin – suspension ng operations ulit ng mga driving school, entertainment, cinemas, interactive games, and arcades. Actually, hindi pa ito na open. Magbubukas pa lang sana pero pinigilan natin. Libraries, archives, museum, and cultural centers, binawal po ulit muna iyan, dahil po sa surge.

Limited social events, ibig sabihin nili-limit na lang sa essential business gathering, hindi po puwede ‘yung mga hindi tungkol sa business gathering. Except ‘yung in-announce po ni Spox Harry, ‘yung kasal, binyag, libing, iyon po limited to 10 people. And then mayroon pa po ditong Advisory, 30% for essential business gathering, reduction of operational capacity ng mga dine-in restaurants, dahil ang fear po ay baka nagkakaroon ng hawaan doon sa dine-in restaurant, lalo na po kung indoor. Kaya po at least dito sa huling nilabas ng Memo Circular, ang bawal po ay ‘yung air-conditioned, ‘yung indoor na dine-in. Pero ‘yung outdoor dine-in, ina-allow po at take- out and delivery. Subalit ni-reiterate po natin na magsasara muna itong mga gyms, fitness centers, internet cafes, spas and full body massage place dahil again, ‘yun po ang kinakatakutan na baka may risk din po diyan.

Nakita po natin because of the surge in cases, may temporary closure tayo of establishments that we mentioned. But ni-limit natin dito sa mga may potential risk, so that to allow other parts of other economy to open and safely continue. But to clarify po, the surge is not attributed to this. Pinakita po natin sa chart kanina. We reopen the economy since July 2020 and yet COVID cases went down. Dati po 4,000 a day to a low 2,000 a day. Ibig sabihin kahit nag-reopen tayo, bumaba po ang cases hanggang February. So, nagtataka tayo bakit tumaas noong March. What happened after February 2021?

Ang opinion and balita po from World Health Organization (WHO), nasabi na po mismo ng ating representative from WHO, ay siguro po, ito ay vaccine optimism. Ibig sabihin, naisip po ng tao siguro medyo safe na lumabas, kahit hindi pa naman sila yung na vaccinated. Kasama na din po ang matagal nilang pagka-lockdown. Napansin po natin ito, dahil ito po personal experience at nakikita natin sating mga kaibigan, dumadalas na po ang mga nagkikita-kita, mga non-essential gatherings, mga physical meetings, reunions, etc.

Dati po makita natin noong last year cases natin, bumababa napansin natin last year hindi masyadong ganito ang mga nangyayari. Kaya po diyan sa mga gathering na iyan at sa mga komunidad na medyo low ang compliance, hindi sinusuot ng mabuti ‘yung mask o kaya walang mask. Iyan po ang nagiging sanhi ng mga new cases natin at pagtaas ng cases.

Napag-uusapan po kanina ‘yung prioritization sa immunization. Ang amin pong sinuggest at ito po ay na discussed na doon sa vaccine panel para po sa isang sinuggest po na isasama po natin sa priority A, after the frontline workers, senior citizen, adults with comorbidities. ‘Yung A4, ito po sana ‘yung mga frontline personnel in essential sectors both public and private sectors, including uniformed personnel, and those in working sectors. ‘Yung mga nagtatrabaho, na-identified po ng Inter-Agency Task Force (IATF) na directly client facing.

Isa po sa pinagdagdag namin doon, ‘yung food and beverage manufacturing at medical products manufacturing. Dahil po pag diyan po nagkaroon ng infection at pag nag sara ‘yan medyo delikado po ang ating supply ng mga pangunahing bilihin at food security will be at risk. Pinapasama po natin ito sa priority A4. Of course, may A5, ‘yung poor population ang nandiyan pa rin po sa category A at may category B ‘yung mga iba pong front liners.

Nag-utos po kayo na magbigay ng libreng face mask, para po sa mga mahihirap. Sa ngayon, ang atin pong tinatrabaho ay 47,047,788M mask para po sa mahihirap, 13.672M ang na produced at 12M plus ang na deliver na mismo. ‘Yung iba po on going delivery na po sa mga warehouse po natin 16M. So, total po niyan may 29M na tayo in the next 1 week or 2 weeks, we will have this about 30M mask na libre. Ito po ‘yung proyekto na gawa ninyo sa IATF, Office of the President, DTI, Department of Health (DOH). DOH savings po ang nag pondo dito. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Science and Technology (DOST), Department of Social Welfare and Development (DSWD), and Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nag-di-distribute po dito.

May on-going pa na pinapa-bid po ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) ang 17.2M. So, very soon we will able to distribute already 47M free mask, reusable po ito. Ito ‘yung makita mo sa picture, ito ‘yung tela na may tali. Ito po ay puwedeng labhan up to 20 to 30 use, para ulit-ulitin gamitin pag nalabhan na. Ang maganda po dito, aside from free mask for communities, pinagawa po natin ito sa mga local community sewers. ‘Yung mga mananahi po sa mga barangay na walang trabaho. Para double purpose po, mayroon po silang hanapbuhay at para may trabaho sila may kikitain sila at ‘yung ginawa nila ipamimigay sa poor communities. May tulong din ‘yung mga local manufacturers para sa maramihang volume and it’s creating local jobs pag dito po ginawa.

Ito po ang breakdown, 12.6M distributed na po sa National Capital Region (NCR). NCR po pinakamadami kasi dito po ang maraming cases. Region 3, Region 4A, Region 6, Region 7, Region 11. Tapos po may mga parating pa tayo para po tutuloy-tuloy pa rin ang delivery. Ang tumutulong po dito ang Department of National Defense (DND), Office of Civil Defense (OCD) at saka po ang DSWD sa pag-distribute. But of course, all other agencies are helping in this project. Iyon po ‘yung mga dumating na sa mga bodega po natin at patuloy na dumarating.

Ang investment po na nag-register for investments, tuloy-tuloy pa rin po ang paglaki despite this pandemic. Last year po we hit 1.02T, for perspective, mababa lang kaunti ito noong 2019 kasi ‘yun po ‘yung Php1.14T. First time po natin naabot ‘yung 1.14, however in January to December 2020 despite the pandemic, we still reached a trillion level. So, second highest po 1.02T ang investment po. For this year, makita po natin from January to March, Php137B tumaas po ng 64.65% versus last year. Employment 12,000 jobs, up 13%.

Sa paggawa po ng mask, dati po wala po tayong mga gumagawa dito ng mga medical grade, internationally certified, readily available PPEs. So, from zero to hero ang tawag natin dito. For example, po sa mask 2.4M pieces per month ang nagagawa ng N95 mask, dati po zero capacity. ‘Yung N88, ito po yung suot natin madalas, 56M pieces per month, dati po 6M pieces lang. Itong coveralls, ‘yung pinapatong sa ating katawan, 3.2M pieces per month ang capacity, dati zero. Ventilators, dati zero ngayon 6,000 units per month. Meltblown or filter for face mask, ‘yung nasa loob ng face mask 20 tons per month, dati po zero capacity. Of course, vaccine, mayroon pong mga pag-uusap ngayon ang Board of Investment (BOI) talking to about 6 local companies on their plans for local vaccines manufacturing. Ito po ‘yung ginagawa natin para hindi tayo umasa lang sa imported na mabibili na vaccine in the future.

Ang amin lang pong request naming dito, ito ay continuously creating of local jobs and local manufacturing, pera ng bayan, para sa trabaho sa bayan. We have to buy local ito po ang ating pinu-push, kasi pag nag buy local madaling makaka-recover ang ating ekonomiya kasi ma-re- restimulate ang economy.

Even during the pandemic, we continue to give out livelihood kits, entrepreneurship seminars, mga mentoring and training, iba-ibang livelihood opportunities nationwide. There are some numbers here running up to 17,960 ang target, pero na hit po natin 56,281 na mga micro SMEs na natulungan. ‘Yung mga livelihood na ang target ay 8,000, nabigyan na livelihood kits ay 26,240. Kasama na rin po diyan ang project ni Senator Bong Go, kaya nakabigay tayo ng mas maraming livelihood kits doon sa mga mahihirap na mga barangay at ‘yung mga nabiktima ng mga sakuna.

We continue to provide the Diskwento Caravan, ito po yung mga tindahan na nilalapit natin sa tao sa komunidad para hindi na sila lalayo at pupunta pa sa palengke o sa grocery. Nakikipag- usap tayo sa mga manufacturers at ito dinadala sa mga barangay, sa mga komunidad at diyan po nagkakaroon ng malimit na mga diskwento caravan, kung saan ang mga local government units (LGUs) together with the manufacturers and distributors nakakabenta ‘yung mga basic necessities pati po agriculture products in partnership with the Department of Agriculture (DA).

Tuloy po ang livelihood program amidst of the pandemic. Ito po yung umiikot tayo from Luzon, Visayas and Mindanao, diyan po ang patuloy na pagbibigay ng mga livelihoods. Simple lang po ang mga livelihood dito, para lang po may pang benta, may hanapbuhay pang araw-araw ‘yung mga kababayan natin. Namamahagi po tayo diyan sa tulong ulit ng ating mga team at Senator Bong Go, pati na rin po ng DSWD, DA at iba pang mga ahensya, National Housing Authority (NHA) kasama po ng DTI – nationwide po ‘yun.

Assistance to former rebels, ‘yung project po natin sa NTF ELCAC. Ito po yung mga natutulungan, nabibigyan ng pangkabuhayan package nationwide. Mga 829 former rebels po ang naabot natin dito. Sa mga OFWs, dahil po sa mga bilin po ninyo na bigyan ng madaming opportunity ang mga repatriated OFWs, tuloy-tuloy po dito ang seminar at pagbigay po ng mga livelihood kits.

Another set of seminars sa mga kabataan at hiwalay-hiwalay sila napapayagan naman po tayo lalo na sa mga low risk areas. Ito naman po ‘yung programang ni-launched po ninyo Mr. President, sa ngayon po ang bottom-line po dito, nakapagpautang na po tayo ng almost Php 2.6B ang na-released. Makikita din po natin ang Php 3B total approved loans amount, ang nakinabang na po total approved loans of 24,581. Ayun pong regional breakdown maliit pero at least there are success stories ‘yung mga pautang na binagay natin. Again, ito po zero interest, no collateral at longer grace period.

Pinakita rin po na kahit noong pandemya dumami rin po ang nag-register ng business name, tumaas po ng 44% at lalo na po ang e-commerce business registration. Dahil limited ang mobility, ito po ang nauso, ‘yung mga tumatawag na lang online at magpapa-deliver, so take-out delivery. E-commerce, business registration ay umabot po sa 88,000 ang nag-register nag-umpisa lang po ‘yan ng 1,700, so more than 40 times ang nilaki po just last year of 2020.

That’s the end po Mr. President so iyon po ang report ng DTI. ♦

Date of Release: 23 April 2021