Vaccines
Resbakuna TVC: A1
A1 Reiteration 1
Are you a frontline healthcare worker from a private hospital or a private clinic?
You are part of the A1 priority list! Get vaccinated!
Registration portals of NCR cities and neighboring areas bit.ly/VaccineRegistrationDirectory
A1 Reiteration 2
Are you a clerk/intern from medicine or an allied health professional with ongoing hospital duties?
You are part of the A1 priority list! Get vaccinated!
Enlist now at your hospital of affiliation.
A1 Reiteration 3
Are you a frontline healthcare worker but NOT affiliated to any hospital or facility?
You are part of the A1 priority list for COVID-19 Vaccination Program!
Enlist now at your LGU!
Registration portals of NCR cities and neighboring areas bit.ly/VaccineRegistrationDirectory
Resbakuna TVC: A2/A3
Kung ikaw ay edad 60 pataas o may iba pang karamdaman, magparehistro na para sa RESBAKUNA kontra COVIID-19!
Alamin kung paano magparehistro para sa pagbabakuna bit.ly/SeniorsVaccination
Ang mga registration portal sa NCR at mga kalapit na lugar nito ay maaaring ma-access sa link na ito: bit.ly/VaccineRegistrationDirectory
Isa ka bang senior citizen? Ikaw na ang susunod sa listahan ng babakunahan laban sa COVID-19!
Saan magrerehistro ang mga senior citizen para sa COVID-19 Vaccination Program?
- Kung nakatira sa mga nursing home o iba pang group home, i-kokontact kayo ng LGU.
- Sa mga iba, maghintay ng anunsyo mula sa inyong LGU.
Q: Sino ang kasama sa Priority Eligible Group A3?
A: Kasama dito ang mga edad 18 hanggang 59 taong gulang na may kalmadong karamdaman (controlled comorbidity) na hindi kasama sa A1 (frontline workers in health facilities) at A2 (senior citizens)
Alamin ang mga kasagutan sa Frequently Asked Questions (FAQs) tungkol sa Priority Eligible Group A3 sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Alamin ang tamang impormasyon! Sama sama tayo sa #BIDABakunation!
Do you have comorbidities? Check out this infographic to know if you are eligible for COVID-19 vaccination and enlist now!
FAQs on Vaccination for Persons with Comorbidities bit.ly/FAQsforComorbidsPH
Know the right information! Be part of the #BIDABakunation!
Maaari bang magpabakuna kontra COVID-19 ang mga may hypertension at elevated blood pressure (BP)? Ano ang dapat gawin sa araw ng pagbabakuna? Paano kapag tumaas ang BP habang nagpapabakuna?
Alamin ang kasagutan sa mga katanungang ito tungkol sa pagbabakuna ng mga may hypertension at elevated BP laban sa COVID-19.
Alamin ang tamang impormasyon! Tara sa BIDA BakuNation!
Doctors React #1
Doctors React #2
Doctors React #3
Fast Five Episode 1: Vaccine Efficacy
Fast Five Episode 2: Anong mga sintomas ng COVID-19 ang pwedeng i-treat sa bahay? (Dr. Anna Ong Lim)
Fast Five Episode 3: Senior Citizens Registration, Priority Group A3 Composition (Dr. Beverly Ho)
Fast Five Episode 4: Pwede bang magpabakuna ang mga may high blood?
Explainer #1: Clinical Trials
Explainer #2: Clinical Trials
Explainer #3: Clinical Trials
Explainer #4: Clinical Trials
Alamin ang ipinatutupad na Phase III ng National Action Plan ng gobyerno. Ang Phase III ang transition plan patungo sa “New Normal” at sa Phase na ito ay bibinigyan ng pansin ang paghahanda sa Philippine National COVID-19 Vaccine Roadmap.
Ano nga ba ang vaccine o bakuna, at paano ito nakakatulong para maprotektahan ang ating katawan laban sa mga sakit?
Ano nga ba ang bakuna o vaccine kontra COVID-19? Ating alamin ang mga impormasyon tungkol dito. Isa-isahin natin ang mga ito sa series na ito.
Bakit nga ba kailangang magpabakuna kontra sa COVID-19?
Bakit nga ba kailangang magpabakuna kontra sa COVID-19? Kailan magkakaroon ng bakuna sa COVID-19? Ano ang Emergency Use Authorization (EUA)?
Sino ang unang mabibigyan ng bakuna?
Sino ang unang mabibigyan ng bakuna? Bakit sila ang binigyang prayoridad para sa bakuna? Pwede ba akong bumili ng bakuna sa pribadong klinika o parmasya? Libre ba ang bakuna para sa mga prayoridad na grupo? Kung hindi ako kasama sa prayoridad na mga grupo, paano ako makakakuha ng bakuna?
Maaari bang mamili ang babakunahan ng brand ng bakuna na ibibgay sa kanya?
Maaari bang mamili ang babakunahan ng brand ng bakuna na ibibgay sa kanya? Pwede bang magbago ng brand per dose ng vaccine? Ano ang immunogenicity? Paano pinipili ang mga lokal na pamahalaan na unang makakasali sa vaccine deployment program ng pamahalaan?
Bakit ang bilis magawa ng bakuna?
Bakit ang bilis magawa ng bakuna? Bakit kinakailangang bumili ng Pilipinas ng iba’t ibang brand ng bakuna? Ano ang pinagkaiba ng EUA sa ng full market authorization? Ano ang mga isaalang-alang sa brand ng mga bakuna na ibibigay sa mga priority groups?
Mabibili ba ang mga bakuna sa mga botika?
Mabibili ba ang mga bakuna sa mga botika? Paano masasabihan ang mga babakunahan ukol sa schedule ng kanilang pagbabakuna? Maaari bang maiba ang brand ng 2nd dose ng bakuna na ibibigay sa babakunahan? Ano ang “implementing units”? Paano makakarating ang bakuna sa target na populasyon?
Isa-isang sinagot ni Dr. Beverly Lorraine Ho, isang public health expert, ang sampung karaniwang mga tanong tungkol sa vaccine laban sa COVID-19. Panoorin ang komprehensibong pagtalakay at payamanin ang ating kaalaman ukol dito.
Q1: Bakit kailangang magpabakuna?
Q: Bakit kailangang magpabakuna? Bakit nga ba BakuNation?
A: Ang pandemyang ito ay kumuha ng maraming buhay at patuloy pa nitong nilalagay sa peligro ang buhay ng nakakarami. Pinahina rin nito ang ating ekonomiya at maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil dito.
Q2: Aling mga bakuna ang gagamitin sa Pilipinas?
Q: Aling mga bakuna ang gagamitin sa Pilipinas?
A: Sa ngayon, may limitadong suplay ng bakuna sa buong mundo. Sa katunayan, halos 80% ng stocks sa buong mundo ay nabili na ng mga mayayamang bansa. Dahil dito, walang iisang kumpanya ang maaaring mag-suplay ng 110 million na bakuna sa Pilipinas. Kaya naman nakikipag-usap ang ating gobyerno sa pitong manufacturers.
Q3: Magkano ang babayaran ko para mabakunahan?
Q: Magkano ang babayaran ko para mabakunahan?
A: Ibibigay ng gobyerno ang bakuna nang libre. Wala ka dapat babayaran para makapagpabakuna.
Q4: Sino ang unang makakapagpabakuna?
Q: Sino ang unang makakapagpabakuna?
A: Dahil kailangan natin masiguradong patuloy na makakapagtrabaho ang ating health system, ang mga medical frontliner ang unang makakatanggap ng bakuna.
Q5: Kailan at saan ka dapat magpabakuna?
Q: Kailan at saan ka dapat magpabakuna?
A: Ang national government ay nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang maihatid ang bakuna sa inyo. Ang lokal na pamahalaan naman ang maghahanda ng pagpaparehistro at pag-aayos ng schedule ng pagbabakuna.
Q6: Ano ang kailangan bago magpabakuna?
Q: Ano ang kailangan bago magpabakuna?
A: INFORMED CONSENT
Q7: Ano ang dapat gawin pagkatapos magpabakuna?
Q: Ano ang kailangang gawin sa araw ng pag a bakuna?
A: Pumunta sa vaccination site kung saan ka nakalista. ‘Wag kalimutan magsuot ng face mask at face shield! Bago ka turukan ng bakuna ay kailangan mong pumirma ng isang “informed consent”. Sa pagpirma ng dokumentong ito ay pinapatunayan mo na boluntrayo kang magpapabakuna at alam mo ang mga benepisyo at mga posibleng side-effects nito.
Q8: Ano ang dapat gawin pagkatapos magpabakuna?
Q: Ano ang dapat gawin pagkatapos magpabakuna?
A: Maaari kang makaranas ng side effects, tulad sa trangkaso. Pero mawawala dapat ito pagkatapos ng ilang araw. Huwag mag-alala, senyales ito na bumubuo ng proteksyon laban sa sakit ang katawan mo. Karamihan ay nakakaranas ng lagnat o sakit at normal ito. Kontakin ang iyong health care provider kung ang pamumula o pagiging sensitibo ng lugar kung saan ka tinurukan ay lumala pagkatapos ng 24 na oras at kung nag-aalala ka sa inyong mga sintomas, o mukhang di sila nawawala pagkatapos ng ilang araw. Importanteng maiulat mo ang mga ito sa health authorities para maaral ng mga eksperto kung konektado ang mga ito sa bakuna o hindi. Ayaw namin mag-aalala ang publiko nang hindi kinakailangan. Sa mga bakuna na meron tayo ngayon ay kinakailangan ang 2 turok ng bakuna upang mabigyan ka ng inaasam na proteksyon.Kailangan magpaturok pa din ng pangalawang bakuna kahit na nagkaroon ng side-effects, maliban na lamang kung pinayuhan ka ng iyong health care worker na ipaliban ito. Tara sa BIDA BakuNation!
Q9: Paano ko patuloy na mapoprotektahan ang sarili ko at ang aking pamilya?
Q: Paano ko patuloy na mapoprotektahan ang sarili ko at ang aking pamilya?
A: Gaya ng ibang pagbabakuna, nangangailangan pa rin ng oras para sa iyong katawan na bumuo ng proteksyon sa COVID-19. Protektado ka lamang hanggang sa isang linggo o dalawa pagkatapos ng iyong second shot. Tandaan, ang pagbabakuna ay isa lamang sa maraming mga solusyon laban sa pandemya. Kailangan pa rin nating magpatuloy sa magsuot ng mga face masks, pagsunod sa 1m physical distancing, pag-iwas sa mga kumpulan, at madalas na paghuhugas ng kamay upang maprotektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya. Tara sa BIDA BakuNation!
Q10: Paano masisiguro na tunay at mabisa ang ituturok na bakuna?
Q: Paano masisiguro na tunay at mabisa ang ituturok na bakuna?
A: Ang mga bakuna ay biological products at sensitibo ang mga ito. Kung ang mga pekeng bakuna ay maaaring magbigay ng pahamak sa iyong kalusugan, gayundin ang mga bakunang hindi naimbak sa wastong temperatura. Kaya naman siguruhin na ang bakunang iyong matatanggap ay nagmula sa lehitimong manufacturers at ang mga ito ay pinanatili sa tamang temperatura. Tara sa BIDA BakuNation!
10 Things You Need to Know About COVID-19 Vaccines
Sinagot ni Dr. Beverly Lorraine Ho, isang public health expert, ang sampung karaniwang mga tanong tungkol sa mga bakuna laban sa COVID-19. Sundan ang mga balita tungkol sa bakuna at suportahan ang ating programang pagbabakuna laban sa COVID-19. Tara sa BIDA BakuNation!
Sa series na ito sinagot ang mga pangkaraniwang katanungan hingil sa bakuna o vaccine kontra sa COVID-19. Subay-bayan ang mga impormasyong ito at suportahan ang programa ng gobyerno ukol sa pagbabakuna laban sa COVID-19.
Q: Paano nagkakaiba ang mga bakuna?
Q: Paano nagkakaiba ang mga bakuna?
A: Nagkakaiba ang mga bakuna kung saan ito gawa at kung paano ito naghuhudyat ng immune response para gumawa ng antibodies. Itong antibodies ay panlaban sa mikro-organismo na kalaunan ay magiging proteksyon laban sa totoong impeksyon. Ang bakuna ay maaring pinahina o patay na organismo, o isang genetic product (tulad ng mRNA) na gagawa ng protina ng isang virus o bacteria nang hindi nagdudulot ng sakit.
Q: Ilang mga Pilipino ang mababakunahan?
Q: Ilang mga Pilipino ang mababakunahan?
A: Target na mabakunahan ang kasama sa eligible na populasyon na LIMAMPU HANGGANG PITONGPUNG milyon na mga Pilipino. Humigit-kumulang APAT NAPUNG LIMA hanggang ANIM NAPUT APAT NA porsyento ng populasyon sa 2021, ANIMNAPU hanggang PITONGPUNG porsyento ng populasyon sa 2022, at isusunod ang natitirang populasyon sa 2023.
Q: Paano dadalhin sa mga komunidad ang mga bakuna?
Q: Paano dadalhin sa mga komunidad ang mga bakuna?
A: Mula sa national central cold storage, dadalhin ang bakuna sa mga regional hubs – Centers for Health Development (CHDs) o regional DOH office at mga napiling probinsiya at siyudad na may direct flight. Mula naman sa mga CHDs o regional DOH office, dadalhin ang mga bakuna sa mga probinsiya at siyudad, o sa mga napiling vaccination sites – mga Rural Health Unit, Main Health Center, at ospital.
Q: Kailangan bang magpabakuna ang lahat?
Q: Kailangan bang magpabakuna ang lahat?
A: Hindi sapilitan ang pagbabakuna, ngunit inuudyok ng gobyerno na magpabakuna ang publiko para maprotektahan mula sa sakit na maaari namang maiwasan. Sundan ang mga balita tungkol sa bakuna at suportahan ang ating programang pagbabakuna laban sa COVID-19.Tara sa BIDA BakuNation!
Q: Maaari bang tumanggi na magpabakuna?
Q: Ano ang maaaring antabayanang side effects matapos magpabakuna?
A: Maaaring makaramdam ng pananakit, pamumula, pangangati o pamamaga sa parteng binakunahan na maaaring magtagal ng ilang oras; lagnat; panghihina ng katawan; pananakit ng ulo, pagkahilo, pagtatae; o pagduduwal. Agad na sumangguni sa isang healthcare professional kung makaranas ng alinman dito. Sundan ang mga balita tungkol sa bakuna at suportahan ang ating programang pagbabakuna laban sa COVID-19.
Q: Ano ang ibig sabihin ng “vaccine cold chain”?
Q: Ano ang ibig sabihin ng “vaccine cold chain”?
A: Ang vaccine “cold chain” ay ang pagsiguro sa kalidad ng bakuna mula sa panahon na ito ay ginawa hanggang sa panahon ng pagbabakuna alinsunod sa rekomendasyon ng WHO ukol sa akmang temperatura ng pag-imbak at pagdala sa komunidad. Sundan ang mga balita tungkol sa bakuna at suportahan ang ating programang pagbabakuna laban sa COVID-19. Tara sa BIDA BakuNation!
Q: Ano ang maaaring antabayanang side effects matapos magpabakuna?
Q: Maaari bang tumanggi na magpabakuna?
A: Oo. Kahit sino ay maaaring tumanggi na magpabakuna sa pamamagitan ng pagpirma sa isang waiver. Ipapawalang-bisa nito ang iyong slot alinsunod sa prioritization ng mga eligible group at ikaw ay i-skedyul pagkatapos mabakunahan ang prayoridad na populasyon. Sundan ang mga balita tungkol sa bakuna at suportahan ang ating programang pagbabakuna laban sa COVID-19. Tara sa BIDA BakuNation!
Dr. Rommel Lobo of the National Adverse Effects Following Immunization Committee explained the effects of COVID-19 vaccine to the recipient’s body. Tune in to this series for more information about the good and adverse effects of these vaccines.
ICYMI: Dr. Rommel Crisenio Lobo Emphasizes Safety of Vaccines on Elderly
From the recent media forum held last February 8, Dr. Rommel Lobo of the National Adverse Effects Following Immunization Committee explained why pre-screening for vaccine recipients is essential, especially for the elderly.
Watch: Dr. Rommel Crisenio M. Lobo Highlights the Importance of Continuous Observation After Vaccination
ICYMI: Allergist and Clinical Immunologist Dr. Rommel Lobo underscores the importance of monitoring after immunization and reporting of any adverse effect that may occur to your doctors during a media forum held last February 8, 2021
Should Vaccine Recipients Be Alarmed If They Experience Side Effects After Vaccination?
ALAMIN: Kailangan ko ba mag-alala kung ako ay makaranas ng mga side effects matapos mabakunahan? Panoorin ang pahayag ng Allergist at Clinical Immunologist na si Dr. Rommel Crisenio M. Lobo ng National Adverse Effects Following Immunization Committee.
On Ensuring Vaccine Safety Through Rigorous Local Evaluation Process
Dr. Rommel Lobo of the National Adverse Effects Following Immunization Committee ensures that the vaccines procured for the country’s COVID-19 vaccination program had undergone a stringent evaluation process to guarantee safe and efficacious vaccine for the public.
Mr. Samuel Sumilang – TALA Hospital Head Nurse
Dr. Gloanne Adolor
Dr. Edsel Maurice T. Salvaña UP-National Institutes of Health
Dir. Gerardo Dizon Legaspi – Philippine General Hospital
Ms. Mai Anne Del Monte (PGH Nurse)
Mayor Vico Sotto
Sec. Francisco T. Duque III
Dr. Deborah Ignacia D. Ona
Dr. Helen V. Madamba
Dr. Gerardo Aquino
Dr. Flordeliza F. Grana
Tunghayaan ang mga testimonya ng mga tatanggap at nakatanggap na bakuna kontra COVID-19. Pano makakaapekto ang pagpapabakuna sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Pakinggan ang Pahayag ni Nurse Chareluckna Nauna Nang RUMESBAKUNA!
Gumawa ng kasaysayan si Ms. Chareluck Santos, Nurse sa Philippine General Hospital (PGH), bilang unang COVID-19 vaccinator sa ating bansa! Panoorin ang kanyang pahayag ukol sa kanyang RESBAKUNA experience sa video na ito! RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!
Balikan ang mga Kaganapan sa RESBAKUNA Symbolic COVID-19 [Day 1]
ICYMI: Nasubaybayan mo ba ang mga kaganapan sa historic first day of COVID-19 vaccination sa ating bansa kahapon? Kung hindi pa, panoorin ang video na ito at sama-sama tayong suportahan ang RESBAKUNA! RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!
Panoorin ang Testimonya ni Dr. Eileen ukol sa RESBAKUNA!
Isa sa mga nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19 ngayong araw si Dr. Eileen Aniceto ng Lung Center of the Philippines. Ating tunghayan ang kanyang pahayag ukol sa RESBAKUNA at paanong ang pagdating ng vaccines ay hudyat na maaari na nating matanaw ang “light at the end of the tunnel”. RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!
Pakinggan ang Testimonial ni Nurse Joseph ukol sa RESBAKUNA!
Nagsimula na ngang umarangkada ang RESBAKUNA ngayong araw! Pakinggan ang tinig ni Joseph Alvin Repotante, Nurse sa TALA Hospital, ukol sa kanyang karanasan ngayong araw bilang isa sa mga unang nakatanggap ng COVID-19 vaccine! RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!
Panoorin ang Pahayag ni Dr. Reynaldo ukol sa RESBAKUNA!
Tunghayan ang mga Kaganapan Kahapon sa RESBAKUNA! Day 2
▶️
ICYMI: Tuluy-tuloy pa rin ang ating pag-RESBAKUNA sa Day 2 ng ating kampanya kontra-COVID-19 kahapon! Limang ospital ang ating binisita—alamin ang panig at mga kwento ng dumarami pang kababayan natin na RUMESBAKUNA na sa video na ito! RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!
Tara na at RUMESBAKUNA kasama si Nurse Angel!
“For now, dami na namin na-receive na texts and messages informing us na ‘yes, Maam, magpapabakuna po kami.” Pakinggan mula kay Nurse Angel Arabes ng Pasay City General Hospital, Vaccine Process Organizer, kung paanong dumarami na ang gustong RUMESBAKUNA! RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!
RUMESBAKUNA Kasama si Doc Minette ng NITAG!
“For now, dami na namin na-receive na texts and messages informing us na ‘yes, Maam, magpapabakuna po kami.” Pakinggan mula kay Nurse Angel Arabes ng Pasay City General Hospital, Vaccine Process Organizer, kung paanong dumarami na ang gustong RUMESBAKUNA! RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!
The Presidential Communications Operations Office – Office of the Global Media and Public Affairs (PCOO-OGMPA) is releasing a series of explainer videos dubbed “The VAXplainer” just in time for the rollout of the government’s nationwide vaccination program.
The VAXplainer: Episode 1: Ambassador Alfonso Ver: Testimonial
Kilalanin ang unang Filipino diplomat na nabakunahan kontra COVID-19. Ano ang kanyang mga naramdaman, mga paghahanda, at ginawa pagkatapos mabakunahan? Alamin ang karanasan ni Ambassador Alfonso Ver, mula sa embahada ng Pilipinas sa Kingdom of Bahrain!
WTO maps out trade issues related to COVID-19 vaccine rollout
The WTO Secretariat published today, 20 November, two graphics identifying some of the key trade issues arising at the various stages of the development and delivery of a vaccine against the COVID-19 pandemic. The objective is to help foster dialogue on the role that trade policy can play in distributing safe, efficient and high-quality vaccines promptly across the world.
Science in 5 series – episode #17 /As vaccines get approved by national authorities, learn about National and WHO approval processes for vaccines and how safety is ensured during emergency approval of vaccines. Dr Mariângela Simão explains in “Science in 5”.
COVID-19 Vaccine Cold Chain and Logistics
WHO’s Science in 5 on COVID-19 : Vaccines explained
Science in 5 series – episode #25 / If you have had COVID-19, should you still get vaccinated ? Why are we not vaccinating children under 16? WHO’s Chief Scientist Dr Soumya Swaminathan explains these and other vaccine related questions in Science in 5 this week.
Know the Right Information! Frequently Asked Questions on COVID-19 Vaccine CORONAVAC (SINOVAC)
Alamin ang Tamang Impormasyon! Frequently Asked Questions on COVID-19 Vaccine CORONAVAC (SINOVAC)
WHO’s Science in 5: Variants and How Vaccines Work with Them
How does WHO assess safety of COVID-19 vaccines?
Journey of a vaccine from development and clinical trials to manufacturing and cold storage to vaccination