Good morning po! Maraming salamat po sa pag-imbita sa amin dito. Bilang mother agency ng Cooperative Development Authority (CDA) kami po ay malugod na nakiki-celebrate at nakikipagdiwang sa inyo ng 31st anniversary ng CDA. Alam niyo po, ang CDA at ang Department of Trade and Industry (DTI), kahit hindi pa po siya under the DTI, napakalapit na po ng partnership ng CDA at cooperativism ng DTI. Ang CDA po ang talagang ka-partner ng DTI sa maraming programa nito.
Pagdating po sa pagpapautang, microfinancing ang aming unang programang pinasok po ng Small Business Corporation. ‘Yun pong programa ni Pangulong Rodrigo Duterte na inumpisahan panlaban sa 5-6. Naalala niyo ‘yun? ‘Yun ang unang programa bago tayo nagkaroon ng CARES program under the pandemic. Mayroon po tayong microfinancing na nagpapautang sa micro and small businesses sa mga palengke, sa cooperative members. ‘Yung pondo na iyan pinapadaan natin sa mga cooperatives. Kasama po ang cooperatives, katulad ng mga microfinancial institution, ay naka-partner po natin sa pagpapautang sa microfinancing loan.
Pagdating po sa pagpapahiram at pagbibigay sa makina—shared-service facility. Ang cooperators po natin ay mga cooperative kaya marami kaming partnership ng CDA. Iilan lang po ‘yan sa programa po na naka-partner ng DTI ang CDA. Ito pong mga shared-service facility, kung titingnan po natin lahat ng mga micro at maliliit na mga negosyante, hindi naman po nila kayang bumili ng bawat isa ng kani-kanilang mga equipment at makina. Kung kaya’t ito po ay pinapa-operate sa isang cooperative para po shared-service at lahat ng mga entrepreneur doon ay gumagamit at they only paid by piece or if not servicing the entire entrepreneurship community of the cooperative. Malaking tulong po ang aming sinasabi sa DTI.
Ang DTI, walang budget ‘yan pagdating sa municipality at lalo na sa barangay level. Ang amin pong paraan para makaabot sa grass root ay ang cooperatives sa tulong ng CDA. Ang DTI organization po hanggang probinsya lamang pero dahil po sa ating partnership with the cooperatives, malayo po ang nararating ng DTI. Hanggang ngayon po nagbibigay ng livelihood programs, ‘yung mga livelihood grants pagdating sa mahihirap na kababayan natin na gustong magkaroon ng hanapbuhay. Livelihood po ‘yang binibigay po sa programa po ni Pangulong Duterte para po makapagsimula kahit anong paninda, talyer, karinderia, basta negosyo, buy and sell, at sari-sari store. ‘Yan po ay livelihood na binibigay ng ating pamahalaan sa pagtutulak po ni Pangulong Duterte at active participation and big funder na tumutulak si Senator Bong Go. Kaya po talagang nagkakaroon tayo ng budget. Dati, zero budget ‘yan pero ngayon po nabibigyan na natin ng mga livelihood na binibigay lalo na nung dumadalas ang mga disaster. Nabibigyan pa rin tayo ng extra pondo sa pag-pu-push naman po ni Senator Bong kaya ngayon mas marami tayong naabot.
Last week, nagbigay tayo ng livelihood sa Tanay at Surigao del Sur dahil po a week before bumisita po ang ating Pangulo at ibang secretaries kasama si Senator Bong Go, nangako po ang Pangulo within one week na babalikan po kayo rito at bibigyan ng livelihood. Last week, tayo po ay bumalik at nagbigay na po ng livelihood support doon po sa micro SMEs sa lugar sa Surigao del Sur kung saan nagkaroon ng malaking flashflood. Iilan lamang po ‘yan sa mga programa na pinaabot ng ating departamento at madalas pong ka-partner dito ay ang CDA. Ito po ang paraan natin para umabot tayo sa kasuluk-sulukan at maidala lahat ng programa dito po sa ating bayan para mapatotoo ang mga commitment at pinangako po ng ating Pangulong Duterte.
Nandito po ako para sumuporta at makipagdiwang sa 31st anniversary ng CDA. Alam niyo po sa bagong batas at mga IRR, pinag-uusapan po namin ang pag-undergo sa reforms. Malaking reporma po ito kaya may malaking diskusyon po kami mamaya para magkaroon ng mas magandang discussion pagdating po sa kung papano palalakasin itong reporma para lahat po mas maganda ang representation sa buong bansa. Equal opportunity, equal representation, more equitable distribution of support lalo na sa ating mga kababayan na nakakalat na naghihirap at naghahanap ng marami pang livelihood programs. Sana po kami ay makatulong sa programa na ‘yan at sa sinasaad na batas, at maisulong natin ang reporma na kinakailangan dito po sa cooperative sector.
Once again, magandang umaga po sa inyong lahat at mabuhay po tayong lahat. ♦
Date of Release: 11 March 2021