Magandang umaga po sa inyong lahat.
Mula po sa Department of Trade of Industry (DTI), kami po ay masayang sumasama sa event ngayon. Dahil po sa pagpapabakuna ng A4 at kami po talaga with Mayor Francis ang madalas kaming nagte-text niyan. We are always trying to see how we can reopen the economy. Ayun po ang talagang naririnig ko parati kay Mayor Francis, kung naaalala ninyo ‘yung discussions natin sa restaurant, pati po rito po sa mga tindahan dito sa Greenhills.
Kanina po, coming in, una ko pong napansin talaga na ang ganda dito, buhay na buhay ang negosyo. Sana ganito sa buong bansa na nakakabangon na, ang San Juan nakikita natin nangunguna sa pagbangon muli ng ekonomiya. Kitang-kita po natin ang maliwanag at masiglang mga paninda ninyo. Tama po ang sinabi nila Secretary Vince and Secretary Duque, na talagang sa reopening ng economy nakikita po natin na pag bumalik po ang tao, ang bilis po umakyat ng ating negosyo. Ang bilis bumalik ‘yung benta.
Ito pong ating mga efforts ngayon sa Inter-Agency Task Force (IATF), napakabalanse po, nag-iingat po tayo, subalit nakita po ninyo bawat meeting, mayroon po tayong sector na binubuksan. Either ini-increase ang kapasidad ng operating capacity ng mga negosyo, sa retail po actually wala ng limit, depende na po sa local government units (LGUs). As long as bukas po kayo. Ngayon po wala po tayong sinasabi 30%, 50% or 70%, lahat po ng tindahan bukas. Sa mga restaurant, in fact, doon pa nga tayo may kaunting pag-iingat ‘pag indoor pero ‘pag outdoor maluwag din po.
Ang atin pong principle or mga binabalanse po ngayon, ay ‘yung economy at ‘yung health. Sinisigurado lang po natin na calibrated ang reopening at iyan po ay sabay natin binabalangkas sa IATF, kasama po ang LGUs at mga Metro Manila Mayors. Nakakausap natin madalas kung paano magre-reopen. Kanina po nagkamustahan kami about pagpapabakuna, ito po talaga ay isang susi na talagang tuloy-tuloy mag reopening.
Kasi habang walang bakuna, ‘yung reopening na mayroon tayo, napansin po ninyo ay nagkaroon ng surge noong April. Balik na naman tayo sa Enhanced Community Quarantine (ECQ). Hinto na naman lahat, sarado na naman. Ayaw nating ng ganoon, gusto po natin calibrated at tuloy-tuloy na pagbubukas. Para ang tao rin, ating mga kababayan, ay may consumer confidence. Talaga pong pupunta na dito at susunod po sa balita po ni Mayor na mataas na ang vaccination rate.
Inuuna po niya ang workers, kaya lahat po kayo na nandito na nasa mga tindahan or ibang kasama ninyo po, priority rin po ng San Juan City government ang pagpapabakuna sa inyo. Ang maganda po rito hinihintay po namin ang announcement ni Francis na 100% of all workers vaccinated.
Alam ninyo ‘yung mga pumupunta sa Greenhills, hindi lang mga taga San Juan iyan, buong Metro Manila minsan labas pa ng Metro Manila. Dinadayo po ito, marami po kayong paninda na wala sa iba. Marami po kayong serbisyo na wala sa iba. Example na lang ‘yung mga nandito sa paligid, saan ka makakapagpagawa ng cellphone na puwedeng buksan kahit anong brand. Kapag pumunta ka doon sa kilalang tindahan ay hindi mo puwedeng buksan o kaya lipat ninyo po sa amin dito sa harap ninyo bubuksan kahit anong ipagawa mo kaya. Ayan po ang San Juan. Sample lang po iyon. Lahat po may paraan kaya po sabi ni Sec. Vince, laptop, computer dito lahat ang takbuhan po talaga. Kaya itong reopening napakahalaga.
Kayo po talaga ang aming “go-to” kung saan kami pupunta. Napaka-inspiring, doon lang sa sinabi ni Cong. Ronny, another inspirational message. Kasi si Cong. Ronny mahilig sa lumang bagay, ‘yung high value history, ‘yung pinagmulan iyan, ‘yung kinukuwento ninyong El Deposito ay very interesting. Ayan po ang wala sa ibang lugar na mayroon kayo.
Kaya po sa atin, even sa domestic tourism, isa rin po sa pinupush natin. Of course, hindi ako iyon mismo, kung hindi si Secretary Berna, in the sense kung kapares sa negosyo pinapakita ‘yung differentiator ‘yung pagkakaiba ng San Juan na mayroon kayo na wala sa iba. Cong. Ronnie very inspiring po ang inyong mga sinabi kanina and I took note of it.
Ang gusto ko lang po sabihin din is that in the reopening nabanggit ko kanina, na mayroon tayong mga programa, ‘yung Safety Seal, maybe two weeks ago with Mayor Francis, naglalagay po tayo ng Safety Seal. Ang maganda po rito aside from increasing consumer confidence at lalo na kapag mabakunahan lahat ng workers sa isang tindahan, ipapaskil doon “all workers inside are vaccinated.”
Kaniya-kaniyang tindahan basta fully vaccinated, we will promote it, may additional 10% operating capacity. Kunwari po 50% lang, puwede pong mag 60% po iyan. So ayun po ‘yung insentibo niyan and of course attraction po iyan sa mga customers na kampante na papasok dito sa safe na lugar, sumusunod sa minimum public health protocol, maganda ang ventilation.
Ang DTI naman po aside from pagtulong sa vaccination ng mga A4, atin pong sinulong ‘yung definition ng A4. Hindi lamang ilang sector ng mga nagtatrabaho kung hindi lahat na ng nagtatrabaho ayun na ang ang A4. Lahat ng workers na lumalabas, lahat ng worker sa public, sa private, pati na sa household. That definition widening it, adapted po ng IATF, sinuportahan po ng IATF napaka-importante po and kasama po ay sinusulong din po natin and thank you to Ortigas Land ‘yung rental relief.
Sa iba’t-ibang forum po, even sa senado last week, nakikiusap tayo na sana magkaroon muli ng batas na magkakaroon ng encouragement na isulong ‘yung mga rental discount or moratorium in times of difficulty. Kunwari bumalik sa ECQ at iba pang paraan para talagang magkaroon ng rental relief ‘yung ating mga negosyante, lalo na po ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Aside po riyan, nakipag-usap din tayo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na para sa mga bangko ay i-encourage nila na magbigay ng palugit din sa mga pautang nila, kahit hindi agad magkolekta ng principal. Ayun po ‘yung mga programa na sinusulong po natin para po gumaan ang kalbaryo ng ating mga MSMEs. Kasabay po noon, patuloy po nating itutuloy ‘yung mga program po natin tulad ng livelihood assistance na nabanggit ko po kanina.
We will continue to support the Mayor. Ang DTI ay humiling ng kaunting budget para po makapagbigay tayo ng mga livelihood assistance lalo na doon sa mga micro na around 5,000 to 10,000, makatulong makagawa ng kabuhayan. Tapos doon sa medyo malaki laki ng kaunti, lalo na po ‘yung may negosyo dito, puwede po tayong lumapit sa isang attached agency ng DTI, Small Business Corporation (SB Corp.). Ito po ‘yung CARES program. Ito po ‘yung pagtulong sa mga establisyemento na naapektuhan ng COVID. Zero interest loan, walang collateral, online lang ‘yung application, may grace period pa hindi kaagad magbabayad.
Doon sa mga existing establishments, of course, registered po dapat, may income tax return, ayun po ‘yung mga documents very simple lang, makaka-utang na po ng zero interest loan dito po sa SB Corp. CARES program.
Marami pang ibang programa ang pamahalaan financial institutions pero ito po ‘yung under sa DTI. With all of these, with micro-financing sa DTI, we encourage lahat po ng negosyante dito, pumunta lang po sa website. Nandoon po lahat ng training, libre po pati po training online, ‘yung negosyo at saka itutuloy pa rin natin ‘yung pag-promote po ng mga produkto ninyo.
May tindahan po na we are working on sa Ortigas, Go Lokal! at saka OTOP hub. Para po ‘yung iba nating kapatid na MSMEs makapagbenta doon. On our end libre po. Wala pong placement fee, walang babayaran na entrance fee, license fee, makikipag-usap lang po sila diretso sa mall.
Ortigas Land can run in, they will be the supplier to Ortigas. So, that the Ortigas Land will run the Go Lokal! or the OTOP hub yourselves. Para po ito ay kasama sa mga serbisyo, offerings dito po sa Ortigas at sa iba pa ninyong mga malls.
Ayun po ‘yung mga programa na itutulak po natin para mas maraming negosyo maka-reopen, maka-recover kaagad ang Pilipinas. Sabi ko nga sa inyo, in one sentence, ‘yung Pilipinas po kaunting reopening lumalakas po ang negosyo at ang atin pong exports 72%, ang ating unemployment bumababa na sa 7.7%, ‘yung mga volume production index, manufacturing index lahat po 162% 70%. Ganoon po ang kaunting reopening na ‘yun nakakabalik po tayo muli.
Because ang Pilipinas po napakaganda po, solid ang economic fundamentals, 110 million people, iyan po ang merkado natin. Kaya po ang bilis pong makabalik ng ating negosyo. Magtulong-tulong lang tayo, labanan ang pandemic by following the minimum public health protocol at magpabakuna at mag-iingat tayo sa labas at iyan po magre-recover po tayong lahat lalo po dito sa San Juan.
Magandang umaga po sa inyong lahat. ♦
Date of Release: 12 July 2021