Magandang hapon po!
Congratulations sa aking ka-partner at ang ating colleague po sa maraming bagay, lalo na fighting red tape: Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica, sa inyong team, lahat po ng DDG, DDG Tess, DDG Caloy, at sa lahat po officials and personnel ng ARTA and of course ang inyong kapatid, DTI family.
Thank you Usec. Bles for representing DTI. Di po ako umabot diyan dahil galing po ako sa Metro Manila kung saan binakunahan ang mga seafarers at economic frontliners kaya naimbitahan ang DTI to join them a while ago this morning.
Allow me to greet also all our mga ka-partners, colleagues dito sa Anti-Red Tape Authority Ease of Doing Business, which has been really a flagship program of President Rodrigo Roa Duterte. Thank you ARTA, happy anniversary! For the past three years, lalo po noong pumasok si DG Jeremiah Belgica talaga pong nagsibol, lumakas ang serbisyo ng ARTA, ni-reform ang kanilang mga mandato.
Nakita po natin kung gaano kabilis na-implement ‘yung batas. ‘Di pa po perpekto pero alam natin na malaki na po ang na-implement. Tuloy-tuloy po ang adbokasiya, marami ng projects nagawa kagaya ng Nehemia. Nandiyan din po ang recently na ginawang green lane na ibinilin sa atin ng Pangulo na kung saan pabibilisin ang proseso para dito sa mga vaccine manufacturers. Marami na kayong mga nagawa pagdating sa pag-ikli ng proseso sa FDA, sa iba’t-bang ahensya, paghuli sa mga humihinto ng trabaho ng 12 to 1, at marami pang iba.
Babatiin ko lang ang inyong magandang trabaho at serbisyo dito po laban against red tape. Umaasa kami na lalo pang magiging mas malakas ang inyong kampanya dahil ngayon po marami po tayong kinakabit pati central business portal at pag-onboard ‘yung mga ibang agency at ibang mga local unit under the leadership ng ARTA. Madami pong na-solve na may issue sa mga red tape. Marami na rin kayong nakakasuhan, ‘yung iba naman ay naiwasan yung kaso. Na-improve niyo ang system and for that we thank you for all those wonderful accomplishments.
Ito pong participation namin ngayon ay maituturing naming isang munting handog on your 3rd Year Anniversary dahil privilege to continue to work with the ARTA group by providing them some space sa walong regions in the country that, hopefully, will continue our joint campaign for anti-red tape. Of course kayo ang lead agency ngayon dito at ang DTI regional offices considerthem as your partner whenever you need the DTI in pushing for this advocacy on anti-red tape.
‘Di ko alam kung nandiyan na rin si DA Jun. Again, we’re so glad to be working with DA Jun as our partner in the streamlining our government procedures. ‘Yun lang po, babatiin ko lang po kayo dito and again it’s a privilege to have this partnership, this MOA that we are signing as our continuing pledge of support on ARTA. Our joint partnership in 8 regions and if still need more, pag-usapan po natin.
Thank you very much, magandang hapon at congratulations po sa inyo. ♦
Date of Release: 18 June 2021